Wildcard of Existence

YOU’LL BE FINE WITHOUT ME

I hate that you seem perfectly fine without me…


Pa-minsan naiisip ko, what if, for one day, di ako nagparamdam sayo? Mag-aalala ka kaya? Gusto ko sana to subukan, kaso baka ma-disappoint lang ako. 

In the end, it all comes down to the fact that I cared too much, and you didn’t care enough or at all, really…

DEFENSELESS

Wala akong kalaban laban sa mga teammates mo. :( Ano bang ginawa ko sa kanila para gawin nila sakin to? Nakakainis isipin na wala akong magagawa para ipagtanggol sarili ko. PERO ALAM KONG MERONG PARAAN, IKAW. IKAW YUNG PWEDE MAGTANGGOL SAKIN. Pero mas nakakalungkot isipin na ikaw mismo, di mo nagawa :( Hindi mo ba ako kilala? Kailangan ba ng 3 years para masabi mo sa sarili mo na “kilala ko yang si MJ, di niya magagawa yan”. Ang duga mo naman eh, maging patas ka naman sana. :( Pinagtatanggol kita kay mommy at sa kuya ko, ako di mo magawang ipaglaban sa teammates mo? Gusto ko umiyak ng umiyak. Gusto ko makalimutan na lang tong nararamdaman ko, lahat gusto ko makalimutan. Itong hinayupak na pagmamahal lang naman yung nagsasabi sakin na magbabago ka eh :( Pero paulit ulit na lang akong nasasaktan.

Dead End

Sorry kung hindi ko sinabi sayo yung totoo. Hindi ko sinabi sayo yung totoo kasi ayaw ko na lang pagusapan, isa pa, sila na ni Cat non. Gusto ko na lang kalimutan yung bagay na yon. Para ibalik mo ng ibalik yang issue na yan, na mali ako, sobrang mali na Roy. :( Tapos hahamunin mo ko na maghanap ng BF na iintindi na tulad ng ginagawa mo, ginawa mo naman akong basura. :( Ginawa mo kong patapon na babae sa mga sinabi mo sakin kanina, ayoko na lang magsalita. Kung gusto mo makipagbreak, ikaw bahala. Sa uulitin, sorry sa pagsisinungaling ko about kay Brylle. Sana lang hindi mo na sinabi yung mga salitang nakaka-offend. Nakakabastos eh :( 

Tinawag mo pa akong sinungaling, grabehan. 

Break-up

Alam mo, in case na makipagbreak ka sakin dahil sa mga duda mo. Hindi kita pipigilan, pagod na din kasi ako. HINDI PWEDENG PALAGI MO AKONG SINUSUMBATAN. HINDI PWEDENG SASABIHIN MO SAKIN NA OKAY LANG TAPOS SA SUSUNOD NA AWAY IBABALIK MO YUN TAPOS ISUSUMBAT MO PA. Ayos ka lang ba? Mali yan. Bat ba ayaw mo maniwala na walang nangyari samin ni JM, pagod na ko. PAGOD NA PAGOD. :( 

Haliparot ako sayo di ba? Malandi, kung kani kanino pumapatol? Kung ganyan lang din, hiwalayan mo na lang ako. Hindi na ako maghahabol sayo o anuman. PAGOD NA KO PATUNAYAN SARILI KO SAYO. Kung tingin mo sakin demonyita, ikaw na bahala.

:|

So ano nanaman yang nalaman mo? Di ko na talaga alam. :( Grabehan lang eh. Pramis simula ngayon di na ako magpopost sa wall mo or anything. Kahit na mag-comment sa pictures mo. Alam ko naman kasi na buburahin mo lang. Kaya big deal sakin ang nasa FB kasi gusto ko maramdaman na hindi mo ko kinakahiya. :| Gusto ko ma-feel na okay lang sayo makita ng ibang tao mga pinopost ko sa wall mo. Kinakahiya mo ba ako? Sige wag ka magalala, di na talaga ako magpopost sa wall mo.. kahit anong sweet shit man yon. 

Nagbibigay pa ba tayo ng inspirasyon sa isa’t-isa sa ganitong paraan? Pwedeng oo, kasi binibigyan mo ko ng inspirasyon na wag i-express tong feelings ko.. Binibigyan mo ko ng inspirasyon na maging suplada at mataray. 

I am a Fantastic Lover

“I make mistakes. That’s what I do. I speak without thinking, I act without knowing. I drink so much that I can barely walk…I’m a fantastic lover though, and an amazing friend. God knows I mean well.” - Sex and the City



Oo, nagkakamali ako. I make mistakes. Tao lang ako. Kailangan kong matuto sa mga sariling pagkakamali para naman pag tumanda na ako, may maipagyayabang ako sa mga apo ko. Gusto ko malaman mo na pag sinabi kong mahal kita, sobrang mahal kita. Alam kong alam mo na ibang klase ako magmahal. Binibigay ko lahat. Sana pag sinabi ko na hindi kita niloloko, hindi kita niloloko. Sana naman maniwala ka sakin. May kunsensiya at hindi ko kayang gawin yun sayo. Oo challenging ako na GF. pero isipin mo, lahat naman ng bagay na to hindi magiging kumplikado kung may tiwala lang tayo sa isa’t-isa di ba? Tama ba? 

Quote

Dahil lang don? Honestly yun lang yon. Sobrang naiinis ako pag hina-hide mo yon. Childish? Isip bata? OO. Pero sana naisip mo muna yung mga pwedeng mangyari pag hinide mo yon, alam mo naman ever since na pinagaawayan na natin to di ba? PERO GINAWA MO PA DIN. :| Ngayon, tell me, sino ang “BATA” satin? Ako ba na yun lang yung hinihiling sayo pero hindi mo mapagbigyan? Ako ba yung childish kasi matigas ulo ko? Isip bata ba ako dahil bratt ako at spoiled? Bata ba ako dahil pag sinabi kong gusto ko gusto ko? Aminin mo, may mali ka din. May mali din ako. I didnt mean na maging ganon yung ibig sabihin ng pinost ko. Sa totoo lang random ko lang siya pinili. :| Nagulat na lang ako bat may mga sinasabi ka ng niloloko kita. 

Ikaw nga itong pag naghihide ng rel status, pag tinatanong kita wala ka masabing magandang dahilan. Ikaw na mismo nagsabi sa akin na hindi mo alam bat ka ganyan. Ikaw mismo nagsabi sa akin na hindi mo alam bat ayaw mo gawing public. Bakit? Sobrang public ba ang pagset ng relationship status? Yun lang naman ah. Hindi buong mundo nakakaalam. Gusto ko lang ipamukha sa mundo na sakin ka na. Gusto ko mafeel na hindi mo ko kinakahiya. 

Sa sinabi mong magbreak na lang kaya tayo para walang problema, nasaktan ako don, wala ka na bang ibang alam na solusyon bukod sa “MAGBREAK NA LANG TAYO?” tapos tatanungin mo pa ako anong tingin ko, nangaasar ka ba ha?

MALAPIT NA. MALAPIT NA. KONTING USOG NA LANG. NASA DULO NA KO :( 

Pano?

“How can a woman be expected to be happy with a man who insists on treating her as if she were never worthy of trust”

Pano ka lubusang magiging masaya sa pilingng tao na halos linggo linngo ka na lang pinagdududahan? Simula sa cellphone mo hanggang sa facebook mo. Nakakawala sa ulirat di ba? Parang ang pinasukan mo preso hindi relasyon.


Nakakabastos? Oo naman. Mukha ka bang magnanakaw o kriminal para paghinalaan ng ganyan? Sobrang nakakababa ng kumpiyansa sa sarili. 

Ang masakit lalo, sinasabi mo yung panig mo, mas lalo lang sila magagalit. Ang gusto nila magpatalo kaBakit bobo ka ba para magpatalo sa bagay na alam mong wala kang kasalanan?  Parang hinayaan mo yung sarili mo na makulong sa kasalanan na wala kang kinalaman. 

Nakakasakal? Oo, sobra. Hindi ka makakilos ng maayos. Lahat bantay sarado. Tama, parang nasa preso ka nga.

Sasabihin nila kaya sila ganon kasi nagawa mo na yung kasalanan na iyon dati. Ang kitid ng dahilan di ba? Panginoon nga nagawang bigyan tayong mga tao ng pagkakataon para iwasto ang mali na nagawa natin dati, ikaw pa kaya na kauri ko lang din? ikaw pa kaya ng tao lang din na nagkakamali? 

Sasabihin nila, sobrang mahal ka nila kaya ganyan sila magduda at mapraning. MALI SILA. Wala akong alam na tunay na pagmamahal na walang tiwala. Wala akong kilala na nagmahal ng tunay at buo ng hindi nagbigay ng tiwala sa tao. Hindi ba nila alam na ang sarap sarap sa pakiramdam na may tiwala sayo yung tao keysa sa pakiramdam na mahal ka ng tao? Pag sinabi mo na may tiwala ka sa isang tao, malamang mahal mo siya. Kasi binigay mo yung tiwala mo at mahal mo siya na naniniwala kang hindi nila sasayangin ang tiwala mo. Naiintindihan ba nila ako? Malamang hindi. Pag sinabi mong mahal mo to, wala pang tiwala don. Oo pwedeng mahal mo siya pero hindi mo siya sobrang mahal para pagkatiwalaan. 

Ganun lang yun kasimple. Mas malalim at mabigat ang salitang tiwala kumpara sa mahal. Ang tiwala, package deal na yan. Kasama na dyan ang pagmamahal. Ang pagmamahal, solo flight lang. Pwedeng madaling mabuwag. Tipong bumili ka ng relo sa divisoria na made in China. 

Nakakapagod. Nakakagago. Nakakatanga. Nakakabobo. Nakakaiyak. Alam ko yang pakiramdam na yan. ANG HIRAP DI BA? Alam mo sa sarili mo na hindi ka dapat tinatrato ng ganyan, na hindi ka dapat pinaghihinalaan ng ganyan. 

Pero wala ka magagawa eh, mahal mo. Tiisin mo na lang na ginaganyan ka. Sana lang, sana sana, wag dumating yung oras na kung kelan handa na siya ibigay ang pinakahihintay mong tiwala, yung sistema mo naman ang palyado. Sana hindi pa huli yung oras, sana kayanin mo pa. 

AWAY.

Alam mo ba sabi ko sa sarili ko dati hindi ko mapapatawad yung tao na hindi ako kayang pagkatiwalaan? pero di ko nasunod yun nung dumating ka sa buhay ko. :( at paulit ulit na lang. ang sakit. nakakabobo. :(

Pero, ayoko kitang mawala..

Ayoko din magpatalo.. 

Alam ko na tama ako..

ANO DAPAT GAWIN KO?

Please lang?

Pwedeng dahan dahan lang? Madami pa tayo dapat matutunan. Pareho tayong hindi alam ano gagawin. :( Pero naniniwala ako na kaya natin malagpasan to.. konti konti lang. Tao lang tayo.